Wednesday, November 22, 2017

TEKSTONG PERSWEYSIV

MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA
                Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng lokal na industriya.
          Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.
          At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.
          Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real estate at iba pa.
          Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.
          Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.
          Tangkilikin natin ang VAT!
2.   Pagpapakahulugan sa mga salita o parirala na hindi  naunawaan batay na rin sa paggamit nito sa texto.
Mga Salita
Kahulugan
1.   Administrasyon
2.   Modernisasyon
3.   Korporasyon
4.   Industriya
5.   Prinsipyong pinanghahawakan
3.   Magkakaroon ng talakayan tungkol sa binasang teksto. Ang guro ay magtatanong ng ilang katanungan mula sa tekstong binasa ng mga  mag-aaral, katulad ng sumusunod:
–        Sino ang nagsasalita sa texto?
–        Sino ang maaaring kinakausap ng sumulat sa texto?
–        Sino ang tiyak na kinakausap sa texto?
4.   Pagbibigay ng faynal na input ng guro ukol sa kinakausap at nagsasalita sa teksto.

1 comment: