MGA TEKSTO
Sunday, January 7, 2018
Wednesday, November 22, 2017
TEKSTONG NARATIBO
Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria
Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito. Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang pagkahinto sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.
Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa halos kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng buong mamamayan ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.
Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon na bumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at pangamba sa kanilang puso.
TEKSTONG IMPORMATIBO
TEKNOLOHIYA: EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
Makabagong teknolohiya sa makabagong panahon.Ang teknolohiya ay may malaking bahagi sa bawat buhay ng tao. Mapa-bata man o matanda, ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. At dahil sa mga teknolohiyang ito, mas nabibigyan natin ng pansin, oras, atensyon at halaga. Ngunit masasabi ba natin na maganda ang epekto o masama ang paggamit nito? Lalo na sa mga kabataan? Nais naming magbigay impormasyon sa mga kabataang katulad namin sa mga posibleng epekto ng teknolohiya sa ating buhay.
Ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa mga suliranin ng tao. Teknolohiyang masasabing pinakamalagong imbensyon sa modernisasyon. Mas nabuhay ang teknolohiya ngayong ika-21 na siglo. Dahil sa mga bagong gadyets na naimbento. Mga “high-tech” na kung tawagin. Iba’t ibang klase ng teknolohiya na mapapahanga ka talaga. Kaya’t mas nagiging makabuluhan ito sa mga tao. Ito ay napapanahon. Sa paglipas ng panahon, dumadami na rin ang mga teknolohiyang naiimbento upang mapadali ang mga gawain at makatulong sa mga suliranin ng mga tao.
Sa edukasyon, ang paggamit ng teknolohiya, ay mas napapabilis at nagiging organisado ang mga gawaing akademiko. Katulad ng paglikom ng mga impormasyon para sa kanilang takdang-aralin, research work, proyekto, pag-uulat at iba pa. Ito’y nakakatulong lalo na sa mga mag-aaral na nangangailangan ng kalidad na edukasyon. Ang bawat paaralan, ay may tinatawag na computer laboratory na kung saan tinitipon ang lahat na kompyuter at tinuturuan ang mga estudyante sa paggamit nito. Ang teknolohiya ay napakahalaga sa mga kursong may koneksyon sa computer o mga teknolohiya. Bilang estudyante na may kursong ABM (Accountancy Business and Management), kailangan rin namin ang mga teknolohiya para mas lalong mapadali ang aming pag-aaral. Ang nais lamang ng mga paaralan sa paggamit ng mga teknolohiya ay para mas mapadali ang mga Gawain at mapadali ang pagkatoto ng mga estudyante. Kung sa Komunikasyon naman, ang teknolohiya ang pinaka una sa uso sa paggamit ng komunikasyon . Dahil sa mga social networking sites, mas napapadali ang ating komunikasyon sa mga taong malalayo sa atin. At dahil sa mga social networking sites (facebook, twitter, skype atbp.) may mga nakakahalubilo tayong mga tao na hindi natin kilala sa personal at nagkakaroon tayo ng mga kaibigan dahil dito. Nakakakuha tayo ng mga impormasyon at balita.
Ngunit sa kabila ng magandang dulot nito sa edukasyon at pang komunikasyon ay may masamang dulot din ito. Dahil sa mga makabagong teknolohiya, ang mga kabataan ngayon ay nalulong na sa paggagamit nito. Imbes na pag-aaral ang inaatupag nila, mas nabibigyang pansin at oras nila ang pag access ng internet dahil sa mga social networking sites. Ang pag fe-facebook, ang manood ng mga movies hanggang umaga, paglalaro ng mga nakakaadik na online games, ang pagtetext at marami pang iba. Ito’y masama sa mga kabataan dahil unti unting napapabayaan nila ang kanilang pag aaral at nawawala ang pokus nito. At dahil sa mga social networking sites, ay maaari ka ring makakuha ng kaaway. Akala natin kaibigan lang? Mali! Dahil hindi pa din mawawala ang “away” sa social media. Maraming nabubully dahil sa social media. At dahil sa kanilang pagka-adik sa mga makabagong teknolohiya, naaapektuhan din ang kanilang kalusugan. Ang ibang mga kabataan naman ay umaasa na lamang sila sa mga impormasyon sa internet at kadalasan ay copy-paste ang kanilang ginagawa. Hindi lahat ng impormasyon na nasa internet ay totoo. Mas mainam pa rin na bumisita ka sa library ng iyong paaralan para makakuha ka ng mas makapani-paniwalang impormasyon.
Maganda man o masama ang epekto ng mga Makabagong teknolohiya sa mga kabataan ngayon. Kailangan nating kontrolin ang ating sarili sa paggagamit nito. Oo nga’t maganda ang naidudulot nito sa mga kabataan sa pag-aaral ngunit hindi naman sa lahat ng panahon ay kakailanganin o kaakibat natin ang teknolohiya. Hindi lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa buhay natin. Kailangan mo pa rin ang iyong kakayahan sa paggawa ng mga gawain. Ito lamang ang masasabi ko, HINDI INAABUSO ANG PAGGAMIT NG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA. MATUTONG GAMITIN ITO SA MAGANDANG PARAAN. AT HINDI SA MGA WALANG KWENTA LAMANG.

TEKSTONG PERSWEYSIV
MAHALAGA ANG VAT SA EKONOMIYA NG BANSA
Matatag ang prinsipyong pinanghahawakan ng ating administrasyon. Dahilan kung bakit buo ang loob na makasumpong ng mga alternativong mapagkukunan ng salapi para sa lumalaking gastusin ng pamahalaan, para sa mga proyeektong pangkaunlaran. Kaya’t hindi kataka-takang sa panahon pa ng dating Pangulong Fidel V. Ramos ay itinulak na siya ng pangangailangan sa kaunlaran sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagbisita sa iba’t ibang bansa na ipinagpatuloy naman ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makapag-uwi ng mga foreign investments na esensyal na modernisasyon ng lokal na industriya.
Sinimulan ding palawakin noong 1992 ang “privatization” na nagpasok ng malaking salapi sa kaban ng bayan. Ibinenta nila sa mga lokal na negosyante ang Philippine Airlines, PLDT, Meralco, Manila Hotel at Petron.
At ngayon, ang pagpapatupad ng isang mas mahusay na sistema o batas ng pagbubuwis sa pamamagitan ng EVAT, o EXPANDED VALUE ADDED TAX LAW.
Ang EVAT ay hindi laban sa nakararaming Pilipino. Higit na magiging maayos ang takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ang tanging sakop nito ay ang mga luxury services o tertiary commodities na karamihan ang mga mayayaman lamang ang mayroon tulad ng lodge-inn sa hotel, restawrants, taxikabs, rent-a-car, advertisement, real estate at iba pa.
Hindi sakop ng EVAT ang mga primary goods na karaniwang binibili ng mga mamamayan tulad ng bigas, baboy, petrolyo, gulay at pasahe sa bus at jeepney. Ang EVAT ay ipinatupad upang mapahusay ang “taxation” at masugpo ang “tax evasion” na naglalabas ng P3 B taun-taon sa kaban ng bayan.
Tunay na kailangan natin ang VAT. Ang pamahalaan ay hindi kailanman nagnais ng masama sa bawat batas na kanilang ipinatutupad. Hindi pagrerelaks ang plano nila sa ating bayan. Tagumpay sa ekonomiya at maayos na pamumuhay ang hangad nito sa tao. Kung minsan, sa ating mga Pilipino mas nauuna ang reklamo kaysa pagdinig sa problema. Kung nais nating mapadali ang industriyalisasyon at kaunlaran, matutuhan sana nating magsakripisyong pansarili para sa pag-unlad ng Pilipinas.
Tangkilikin natin ang VAT!
2. Pagpapakahulugan sa mga salita o parirala na hindi naunawaan batay na rin sa paggamit nito sa texto.
Mga Salita
Kahulugan
1. Administrasyon
2. Modernisasyon
3. Korporasyon
4. Industriya
5. Prinsipyong pinanghahawakan
3. Magkakaroon ng talakayan tungkol sa binasang teksto. Ang guro ay magtatanong ng ilang katanungan mula sa tekstong binasa ng mga mag-aaral, katulad ng sumusunod:
– Sino ang nagsasalita sa texto?
– Sino ang maaaring kinakausap ng sumulat sa texto?
– Sino ang tiyak na kinakausap sa texto?
4. Pagbibigay ng faynal na input ng guro ukol sa kinakausap at nagsasalita sa teksto.
Subscribe to:
Posts (Atom)